| Everything is mine, Take it |
|
|
|
| White and Blue Opinion - Columns | |||||
| Written by Maryknoll H. Magtira | |||||
| Wednesday, 05 March 2008 | |||||
|
At bilang ilang taong manunulat, naitatak sa aking isipan ang isang natatanging prinsipyo na kinakailangan at dapat taglayin ng isang manunulat- ang magsulat ng patas at walang kinikilingan. Sapagkat sa mundo na pinaghaharian ng bolpen at titik, isang bagay lamang ang mahalagakatotohanan. Sa tanang buhay ko na nagsusulat ako, lagging sa katotohanan ako natatagalan. Nahihirapan kasi akong ilahad ang dalawang panig ng anggulo ng walang bahid ng pagkiling kahit nasa palad ko na ang mga impormasyong bubuhay sa aking istorya. Hindi kasi ako sigurado kung sino ang nagsasabi ng katotohanan lalo pa’t magkaiba ang kanilang idinadaing. Napakahirap mamili ng karampatang salita na magpapaliwanag ng maayos at walang bahid ng kasinungalingan sa artikulong aking ikinakatha. Nakakakitil ng brain cells sapagkat naniniwala akong ang tao ay sadya ngang ipinanganak na kakambal ang kasinungalingan. At papano ako ngayon gagawa ng artikulong hindi nababahiran ng kasinungalingan? Gayong ako mismo ay produkto ng dalawang taong sinungaling. Ang buhay ay sadyang isang balintunay. Mahirap mawari. Mahirap maunawaan. Ngunit isang bagay ang sigurado, ang kasinungalingan ay nabubuhay sapagkat likas sa tao ang maging makasarili. Bawat tao sa mundong ito ay nangangarap ng tumpak na kaligayahan. Walang masama doon, ang problema nga lang lahat nangangarap. Sabaysabay na nangangarap kung kaya, mayroong mga taong handang kumitil ng kaligayahan ng iba upang maging tumpak ang kanilang kaligayahan. Makasarili. Ang tao ay makasarili. Ngunit ang pinakamasaklap na bahagi dito ay ang tao rin mismo ang biktima ng pagiging makasarili nito. Iyan ay isang katotohanan na sa tingin ko ay hindi mababahiran ng kasinungalingan kailanman.
‘Patience is a Virtue but Time is Gold.’ Pinasasalamatan ko lahat ng mga taongkakilala ko at kakilala ako. Sa mapagpalang Panginoon Sa pamilya ko(ina, ama, kapatid kong bon at kapatid kong eloy), sa mga matatalik kong kaibigan (kaibigang balyena-‘HEIRICH LOU MARTIN’ at kaibigang kapre-‘REGINA CARMELI ESCUDERO’), sa mga kapwa ko vegetarian (wyb, regar, ann, sheila, nicole, lalaine, edmund, laika, kishen, chepie, adela, dags, sai, lehj, joanne,) sa mga wench ko na pinangungunahan ni (ate ANNE GRACE DUMLAO, Hazel Lampaza at Isabel Degollacion) Kay ate Melissa Casimiro(isa kang inspirasyon) John Edward Lee Estrellado(isang magandang pagkakataong maging kaibigan ka) at sa pamilyang Puti’t Bughaw(patuloy tayong maging matatag) Byung-Jin. “Life is unfair. Let’s make it fair.” Set as favorite Bookmark
Email This
Comments (1)
![]()
diehard74
said:
|
|||||
hi ate knoll, galing niu poh tlagang mgsulat... idol, keep up the good work... |
|
|
report abuse
vote down
vote up
|
| < Prev | Next > |
|---|








