| Public Apology |
|
|
|
| Written by Maryknoll H. Magtira | |||||
| Thursday, 30 October 2008 | |||||
|
Magtatagalog na ako, baka sakaling sa ganitong paraan lamang mauunawaan ng mga taong hindi nakauunawa ang nais kong ipahayag. Aaminin ko, ikinagulat ko ang iba’t ibang reaksyon na aking natanggap buhat nang ilabas namin ang aming European Tabloid nitong nakaraang Setyembre. Mayroong mga nagtaka – bakit daw napakatagal namin maglabas ng aming issue. Mayroong natuwa dahil nasa Pasasalamat ko sila. Mayroong naaliw sa banner photo naming patungkol sa Angelus. At ang pinakaastig na pangyayari, akalain mong mayroong mga nabuwisit sa aking ipinagmamalaking “Words per Minute”. Mag-dadalawang taon na akong nagsusulat ng aking kolum bilang Editor ng White and Blue. Sa kabutihang palad, ngayon lamang ako nakatanggap ng mga batikos at kataka-takang reaksyong dulot ng mga kataka-takang pangyayari. Totoo nga namang hindi titili ang isang bubwit kung hindi naipit ang kanyang mumunting buntot. Ngayon ko lamang napagtanto na kasalanan na pala ang magpahayag ng realisasyon ukol sa isang napakagandang pangyayari na inakala kong hindi. Lingid sa kaalaman ng mga taong hindi pa nakakaalam at ng mga taong walang balak alamin, ang kolum ay nagsisisilbing Privelege Communication ng isang Editor. Hindi ko alam kung ano ang nakakabuwisit sa aking nagdaang kolum. Daan-daang mag-aaral at ilang mga guro na ang aking tinanong kung negatibo ba ang dating sa kanila ng aking kolum. Ayon sa kanila, positibo naman daw. Positibo man o negatibo ang reaksyon ng aking mambabasa, hindi ko na problema iyon, sapagkat ipinapahayag ko lamang ang aking sariling opinion, ideya at pananaw. Wala sa aking palad ang magiging interpretasyon at pang-unawa ng mga mambabasa, sapagkat sila ay mayroong sari-sariling pag-iisip na may kakayahang humusga at kumilala sa isang mahalagang usapin. Kaya ipinagtataka ko talaga kung papaanong nadungisan ko raw ang isang iniingat-ingatang imahe gayong malinaw na malinis ang aking intensyon habang isinasatitik ko ang aking kolum. At kung may nadungisan man akong pagkatao, isa lamang ang masasabi ko: walang madudungisan kung walang magpapadungis. Hindi kathang-isip ang nilalaman ng aking kolum. Lahat ng ito ay may batayang katotohanan. Kung nakaririndi man ang katotohanang aking ipinagsisigawan, ipagpaumanhin niyo ngunit sadyang mahusay dumurog ng puso ang katotohanan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ilang araw na rin akong laman ng mga classroom discussions ng mga apektadong tao. At ilang linggo na rin akong pinagtsitsismisan ng mga kapwa ko mag-aaral sa mga corridors ni pareng Waldo. Ngunit, isa lamang akong estudyante na walang magawa kundi irespeto ang kanilang desisyon na mabuwisit sa aking kolum at siyempre pati na rin sa nagmamay-ari ng kolum. Higit sa lahat, isa lamang akong mapagpakumbabang manunulat ng pahayagang White and Blue na handang lumaban, sampahan man ako ng libelo o hindi. ***** “Bato-bato sa langit, ang tamaan matutong makipaglaro ng patas dahil ang pikon, talo.” Maraming salamat sa mga taong ginagawa akong apple of their eyes. Maraming salamat sa lahat ng mga kaibigan kong may hawak na patalim. ***** If only you were here, things won’t be this hard. I won’t need to fight alone.
Set as favorite Bookmark
Email This
Comments (2)
![]()
luntian
said:
|
|||||
| batid ko ang iyong saloobin kaibigan bagkus ika'y lumabag pa rin sa mga palatuntunin ng pagsusulat... paggalang at respeto. ilan sa mga etiketikong dapat mo munang paghusayin... | |
|
report abuse
vote down
vote up
|
| < Prev | Next > |
|---|







"Malugod akong humihingi ng paumanhin sa paglalahad ko ng katotohanan at sa mga taong napikon.” 